Sagot :
Answer:
Birtud ng Pasasalamat:
Ayon sa pag - aaral ng Institute for Research on Unlimited Love ( IRUL) ang pagsasabuhay ng pasasalamat ay isa lamang sa mga paraan upang maiwasan ang mga sakit at mapanatiling maayos ang kalusugan.
Bukod sa benepisyong pangkalusugan, ang pasasalamat din ay nagbibgay ng kaligayahan sa ating buhay. Maligaya ang tao kapag nanamnam niya ang mga positibong karanasan sa buhay. Ang mga ntamasang biyaya ay nagpapakuntento sa atin sa buhay at natututo tayong pahalagan ang mga simpleng bagay na ating natatanggap. Nababago ang ating ugali at pananaw sa buhay sapagkat marunong tayong tumanaw ng utang na loob at magpasalamat. Ang pagtanaw ng utang na loob ay hindi lamang pagbabalik ng kabutihang ginawa ng iyong kapwa sa iyo ngunit ito rin ay pagpapakita ng kabutihan sa iba dahil sa kabutihang natamo.