Sagot :
Answer:
Biyaya ng kalikasan Ating Pahalagahan
Ako ay isinilang sa bayan kung saan sumisikat ang haring araw
Mayaman sa kalikasan biyaya ng Maykapal.
Mga dagat ,ilog at katubigan sagana sa laman
Matataas na bundok, patag na kalupaan puno ng mga halaman
Sa Diyos ay wala nang mahihiling pa
Mga likas na yaman ay naibigay na niya
Kaya nararapat na ating alagaan
Suklian ng mabuti at gawaing kapakipakinabang
Ano pa ang ating maipapamana kung hindi natin ito aalagan
Magtatampo ang biyaya na sa atin ay nilikha
Kaya nararapat na pagyamanin at ating alagaan
Mahalin, lingapin , gamitin sa tamang paraan para sa kaunlaran ng lahat.
Explanation: