👤

Ang isa sa pinakamadaling paraan ng pagkalap ng
impormasyon ay ang pakikinig. Ang pakikinig ay maaaring pormal o
impormal depende sa pagkakataon o layunin, at rehistro ng
pagpapalitan ng impormasyon. Sa pakikinig, mahalagang maging
matalas ang isip ng tagapakinig sa mga naririnig upang maging
makabuluhan ang pakikinig. Dapat ay magkaroon ng tiyak na layunin
ang nakikinig upang mabigyang-pokus ang tunay na pakay sa
pakikinig
1. Ano ang isa sa pinakamadaling paraan ng pagkalap ng
impormasyon?
2. Saan nakadepende ang pagiging pormal o impormal ng
pakikinig?
3. Bakit mahalagang maging matalas ang isip ng tagapakinig sa
mga naririnig?
4. Paano mabibigyang pokus ang tunay na pakay sa pakikinig?
5. Ibigay ang paksa ng inyong binasa.​