Pagsasanay 1 A. Panuto: Isulat sa patlang ang bilang 1-7 ayon sa pagkakasunod-sunod ng wastong paraan ng pagtatanim sa Di-tuwirang Pagpapatubo. ___Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat ng tanim. ___Piliin ang mga payat at dikit-dikit na punla. Itanim sila nang magkakahiwalay sa kahong punlaan upang lumaki nang malusog, bago ilipat sa kamang taniman. ___Kapag nakabuo na ng tatlo hanggang apat na totoong dahon, maari na itong ilipat sa kamang taniman. ___Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti-unting ilantad sa araw ang kahong punlaan. ___Ihanda ang kahong punlaan. ___Lagyan ng patpat at tali na may buhol ang pananim upang maging gabay ___Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang hindi pa lumalabas ang unang sibol.