A. Panuto : Ibigay ang kahulugan ng uri ng pang-abay na pamaraan, panlunan at pamanahon. Piliin ang wastong titik at isulat ito sa patlang bago ang bilang 1. Kapag ang salitang tinuturingan ay nagpapahayag ng paraan kung paano ginanap ang kilos, ito ay isang pang-abay na A. pamanahon B. panlunan C. pamaraan D. panunuran 2. Ang salitang tinuturingan ay tumutukoy sa lugar na pinagganapan ng kilos, ito naman ay pang-abay na A. panlunan B. pamanahon C. pamaraan D. panunuran 3. Ito ay sumasagot sa tanong na kailan at tinuturingan nito ay tumutukoy sa panahon ng pagkaganap ng kilos, ito ay pang-abay na A. pamaraan B. panlunan C. panunuran D. pamanahon