👤

Hi Napulot na Pouch Bag na may Lamang Pera at Cellphone, Isinauli
Nagpamalas ng katapatan ang apat na taong gulang na si Prince Jovan Aviguetero nang
sambitin nito sa kanyang ina na isauli sa may-ari ang napulot niyang
pitaka sa isang pamilihan
sa Tarlac. Nag-iikot ang mag-inang Aviguetero, tubong Mangatarem, Pangasinan, sa isang
RTW store sa Camiling, Tarlac nang matagpuan ni PJ ang isang pouch bag na may lamang
cellphone, identification cards at P10,000. Pero sa kabila ng pangangailangan ng mag-ina nang
mga sandaling iyon, nanaig ang busilak na kalooban ng paslit. "Ma,
may napulot ako na
wallet. Ibabalik natin sa may-ari”, sabi niya. "Nasorpresa ako na sinabi niya yun," kuwento ni
Evangeline Aviguetero, ina ni PJ. Tumatak daw kay PJ ang napanood sa telebisyon na
pagsasauli ng mga napupulot na gamit. Mismong ang mag-ina ang nagtungo sa pulisya para
paalam ang napulot na pouch bag at mahanap ang may-ari nito.gamitin sa wastong pangungusap?​