A. Panuto: Basahin at unawain ang talata. Batay sa talata hulaan ang maaaring mangyaring sa teksto. Dugtungan ang pahayag sa ibaba upang mabuo ang iyong paghuhula, Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mahal na mahal ni Aling Minda ang kaniyang nag-iisang anak na si Jillian. Araw-araw ay hinahandaan niya ito ng masusustansiyang pagkain. Siya rin ang nag-aayos ng mga gamit nito sa paaralan. Sinisiguro rin niyang nagawa lahat ng kaniyang anak ang mga takdang-aralin at kumakain sa tamang oras. Tinitiyak din niya ang kalinisan ng katawan at silid-tulugan. Todo suporta rin siya sa mga aktibidad ng kaniyang anak sa paaralan. Dahil dito, si Jillian ay lumaking___ Nang tumanda na si Aling Minda, si" Jillian ay___