1. Aling bansa sa Asya ang tinaguriang tahanan ng mga Pilosopiya? A. China B. India C. Japan D. Saudi Arabia 2. Ano ang umusbong na paniniwala ng mga Tsino sa kaisipang Sinocentrism? A. Naniniwala ang Tsino na sa kadakilaan ng kanilang hari B. Naniniwala ang Tsino na sila ang sentro ng lahat sa mundo C. Naniniwala ang Tsino na taglay nila ang malakas na kapangyarihan D. Naniniwala ang Tsino na umaayon ang langit sa kanilang pag-unlad 3. Bakit itinuturing ng mga sinaunang Asyano na ang kanilang hari ay mayroong kakayahan at kapangyarihan tulad ng isang diyos o tinatawag na Divine Origin? A. Sapagkat marami silang pag-aari at kayamanan B. Sapagkat mayroon silang kakayahan na mapasunod ang kanilang nasasakupan C. Sapagkat nakikita at nakakausap nila ang Diyos D. Sapagkat nagtataglay sila ng kapangyarihan ng diyos. 4. Sa anong bansa sa Asya ang pinagmulan ng paniniwala na kung saan itinuturing nilang anak ng Diyos o Son of Heaven ang kanilang hari? A. China B. India C. Japan D. Korea 5. Dahil sa mga kaisipang Asyano, nagkaroon ng pagbabago sa pamumuhay sa Asya gaya ng pagkakaroon ng pamahalaan. Anong uri ng pamahalaan ang nangibabaw sa mga panahong ito? A. Demokrasya B. Komunismo C. Monarkiya D. Sosyalismo