👤

epekto ng kontraktwalisasyon sa bansa​

Sagot :

Answer:

Ang mga hindi mabuting epekto ng kontraktwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino ay ang higit na binababa nito ang sahod na kung saan hindi matutugunan ng mga mamamayan ang kanilang pangangailangan para sa kani-kanilang pamilya. Pangalawa ay ang pagtanggal sa seguridad at benepisyo ng manggagawa. Dahil dito, hindi lamang mga mamamayan ang maghihirap kundi pati na rin ang ekonomiya ng ating bansa dahil mababawasan nito ang mga manggagawang may mga disente at maayos na trabaho. Walang progresong magaganap sa ating ekonomiya dahil sa kontraktwalisasyong ito.Wala akong nakikitang mabuting epekto dito.Maraming mga maliliit at katamtamang sukat na mga negosyo sa loob ng bansa ang haharap sa isang tumataas na halaga ng pagkuha ng trabaho. Ang mga hindi makapag-ayos sa mga pangyayaring ito ay kailangan lamang maghatid ng mga karagdagang hiring o mag-evaporate sa impormalidad.Sa pangkalahatan, ang mas masama na hit sa mga stakeholder ay ang manggagawa na maaaring sapilitang mawalan ng trabaho.