Gawain 1 Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata. Salungguhitan ang paksang pangungusap na nararapat sa bawat bilang. 1. Maaga pa ay gising na lahat ng mga tao sa bahay ni Mang Raroil. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at nagha- handa papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang putting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal. 2Ang aklat ay nagbibigay ng iba't-ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba't-ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin.Ang lahat ng bagay ay matutuhan natin sa aklat. Ito ang kahalagahan ng aklat. 3. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga milyonaryo. Narito rin ang iba't-ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa, 4. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit sa lahat ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito. 5. May iba't ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay payapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan