👤

magbigay ng sampung pangungusap gamit pangngalan pang ukol



Sagot :

Answer

Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.

Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya.

Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.

Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa guro.

Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.

Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.

Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.

Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.

Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.

Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik noong tanghali