1. Maraming Pagpipilian. Pillin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng mga pahayag. 1. Ito ay ang kunbersyon ng mga katutubong Pilipino sa pagiging Kristiyano sa pamamagitan ng pagpapabinyag a. Reduccion b. kolonyalismo c Kristiyanisasyon d. Sedisyon 2. Sa relihiyong Kristiyanismo, ang pinaniniwalaang tagapagligtas ay si a. Allah b. Bathala c Kristo d. Buddha 3. Ano ang palatandaan na tinatanggap mo ang pagiging Kristiyano? a. Kapag pumupunta ka sa simbahan. b. Sumusunod sa mga sinasabi ng misyonero. c Ikaw ay nagpabinyag bilang Kristiyano. d. Nakikilala mo ang Diyos. 4. Bakit ginamit ng mga Espanyol ang wikang Filipino sa pagtuturo ng Kristiyanismo? a. Para makilala ng mga Pilipino ang Diyos. b. Para madaling maintindihan ng mga katutubo ang nais ipaabot ng mga Espanyol c. Madaling ituro ang wikang Filipino kaysa wikang Kastila. d. Ayaw ng mga Espanyol na matutuhan ng mga Pilipino ang kanilang wika. 5. Sapilitang paglilipat ng pook tirahan ng mga katutubong Pilipino a. Kristiyanisasyon b. Kolonyalismo c. Budhismo d. Reduccion II. Tama o Mali. Basahin ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kapag nagpapakita ng katotohanan at MALI kapag hindi. 6. Ang kalakalang Galyon ay nagbigay ng kaginhawaan sa mga Pilipino. 7. Naghirap ang mga Pilipino dahil sa kalakalang Galyon. 8. Umunlad ang Pilipinas dahil sa pagsali ng bansa sa kalakalan 9. Nabigyan ng atensyon ng mga Espanyol ang nasasakupan dahil dito. 10. Ipinatupad ang sistemang reduccion para mabilis ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo.