Answer:
Ang alamat ay may kasamang katotohanan sa kwento gaya ng pangunaing tauhan. Ang mga alamat ay kadalasang tungkol sa mga gawaing kabayanihan ngunit kung minsan naman ay tungkol sa kasamaan na may aral na ipinahihiwatig sa tao. Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. At Ang mitonaman ay galing sa salitang latin na mythos at mula sa salitang Greek na muthos na ang kahulugan ay kwento. Ang mito ay mga kuwentong bayan na kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga tao patungkol rin ito sa mga diyos at diyosa.