Sagot :
Answer:
Anong uri ng salitang di-pormal ang salitang utol?
Nandito lahat ang iyong mga katanungan:
Sampong halimbawa ng pormal na salita wikang filipino.
Tatay
Nanay
Kotse
Pulis
Gutom
Nasaan
Saan ba?
Kapatid
Katulong
Malaki
Ang mga nakasulat sa ibaba ay mga halimbawa nga isang pormal na salita. Ang mga ito ay tinatanggap sa paaralan at pakikipagtalastasan sa Guro at mga ka klase. Ang Pormal na mga salita ay ginagamit din sa pag susulat ng aklat at pagsusulat ng mga dalubwika. Ito ay araw araw na ginagamit ng Guro sa paaralan bilang isang panturo ng mga mag aaral. Ang Pormal na salita ay medyo kumplikado at ginagamitan ng bukabolaryo kay sa ibang salita na ginagamit sa pang araw araw na pakikipagtalastasan o pakipag-usap.
May dalawang uri ng Pormal na salita ito ay:
Pambansa - ito ay mga salitang ginagamit sa mga aklat na binabasa sa lahat ng mga mag aaral. Ito ay mga salitang ginagamit sa ating pamahalaan at sa ibat ibang paaralan ma pribado man o ma publiko. halimbawa: Katulong
Pampanitikan - Ito ay mga salitang malalim, makukulay at matataas ang uri. halimbawa: katuwang
Sampong halimbawa ng hindi pormal na mga salita sa wikang filipino.
Erpat
Ermat
Sikyo
Tsikot
Lispu
Tom-guts
Ewan
Nasan
san ba?
yosi
Ang mga impormal na salita ay hindi tinatanggap ng mga matatanda noong unang araw dahil hindi ito maganda pakinggan at hindi maganda gumamit nito lalo na ang isang tao ay may mataas na pinag aralan. Ang impormal na mga salita ay kinikilalang salitang kalye at hindi poedi gamitin sa ng mga Guro sa pakikipagtalastasan ng studayante at hindi poedi gamitin sa pag tuturo. Ang impormal na mga salita ay hindi din ito poedi gamitin sa pagsusulat ng aklat o pagsusuri.
May tatlong uri ng di Pormal na salita ito ay ang mga sumusunod:
Lalawiganin - Ito ay mga salitang kakaiba ang bigkas at tono. ito ay kilala at saklaw lamang ng pook na ginagamitan nito. halimbawa: pampanitakan ito ay malaki pero sa bikol ito ay dakula at sa bisaya dako. magkaiba sila sa tono pero kaparihas lang ng meaning.
Balbal - Ito ay tinatawag na salitang kanto, kadalasan gingamit sa mga taong tumatambay sa kanto o kalye. halimbawa nosi balsi, yosi at iba pa.
Kolokyal - ito ay mga salitang ginagamit sa pang araw araw na pakikipagtalastasan. ito ay meron kagaspangan at may pag ka bulgar pakingagan bagamat malinis ayun sa kong sino ang nag sasalita. halimbawa: Ewan, nasan, san ba?