Pagyamanin Pagsasanay 1: Lagyan ng tsek(✓)ang mga pahayag ay dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota at ekis (x) kung hindi 1. Isiping ang pagsusulat ay isang libangan, bigyan ng kaunting oras ang pagsusulat para maipahayag mo ang iyong iniisip at nadarama. 2. Pumili ng pamagat na maikli at makatawag-pansin. Ito'y dapat na may kaugnayan sa pangyayari sa kuwentong iyong inilahad. 3. Marami ang paksang tinatalakay ng isang anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan sa paksang nais ipabatid. 4. Mahalaga ang paghahanda ng balangkas. Itala mo sa isang malinis na papel ang mga pangyayari at pagsunud-sunurin mo mula sa simula hanggang sa wakas ng ikukuwento mo. 5. Simulan sa isang makatawag-pansing panimula. Ang panimula ay maaaring patanong, pagsipi sa isang pahayag o panggulat na pangungusap.