Sagot :
Answer:
May apat na anyo/kayarian ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Payak
Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat lamang.
Halimbawa: hinog, sabog, ganda
Maylapi
Ito ay mga pang-uri na binubuo ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: tinanong, kumakain, pagmahal
Inuulit
Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.
Halimbawa: pulang-pula, puting-puti, araw-araw, gabi-gabi (Hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro)
Tambalan
Ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.
Halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko, bahag buntot
Uri ng Pang-uri
May tatlong uri ang mga pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod:
Panlarawan
Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at hugis ng mga pangngalan o panghalip. Halimbawa: munti, biluhaba, matamis, malubha
Pantangi
Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana. Halimbawa: wikang Ingles, kulturang Espanyol, pagkaing Iloko
Pamilang
Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan o panghalip. May ilang uri ito.
Patakaran
Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o numeral. Halimbawa: isa, apat, limang libo
Panunuran
Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa
Pamahagi
Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay nagsasaad ng pantay na pamamahagi (equal distribution). Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay na ibinigay o natanggap ay parepareho.
Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang (fraction sa Ingles) ang pamahaging pamilang. Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe, o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng isang daan.
Halimbawa: kalahati, limang-kawalo, sangkapat
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri.[kailangan ng sanggunian] Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.
Explanation: