C. Organisasyon at Layunin. Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng mga pahayag sa ibaba. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong activity sheet. DOLE DFA CFO POEA POLO TESDA OWWA 1. Ahensya ng pamahalaan na nagsisiguro na ligal ang mga ahensyang nagdadala ng mga migrante sa ibang bansa. 2. Ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga permanenteng OFW sa iba't ibang bansa. 3.Ahensya ng pamahalaan na nagbibigay suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng maayos na ugnayan sa pamahalan ng mga bansang pandarayuhan. 4. Namamahala sa mga operasyon ng DOLE sa 34 na opisina nito sa bahaging Kanlurang Asya at Asya. 5. nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW. 6. Sanayin ang mga migrante sa mga teknikal na gawain. 7. Nagsusulong ng mga kapakanan ng mga manggagawa at nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa industruya at paggawa sa bansa.