Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang TAMA sa patlang kung wasto ang ipinapahayag na kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko at MALI kung hindi wasto. 1. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang mga ani nito. 2. Sinisiksik nito ang lupa. 3. Maaaring mabawasan ang dami ng kemikal na abono, 4. Naaabuso ang lupa sa paggamit ng organikong abono. 5. Pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humawak ng tubig. 6. Madaling matuyo ang lupa sa paggamit ng abonong organiko. 7. Dagdag gastos sa nag-aalaga ng mga pananim. 8. Mas kakaunti ang "methane gas" ng damo kung magkokompost muna bago ihalo sa lupa. 9. Walang sustansyang ibinibigay na katulad sa mga kemikal na abono. 10. Pinagaganda ang komposisyon ng lupa.