👤

ano-ano ang mga produktong galing sa isda ang makikita at mabibili sa palengke?​

Sagot :

Ang mga produktong galing sa isda na makikita at mabibili sa palengke ay bagoong, tuyo, sardinas, Tinapa, inihaw na isda at daing.

Ang bagoong ay isa mga makikita sa palengke ito ay binurong maliliit na hipon o maliliit na isda. Ginagamit itong sawsawan para sa mangga at kare kare.

Ang tuyo ay isdang ibinilad sa araw ito ay masarap lalo na pag isinasawsaw sa suka.

Ang tinapa ay pinausokang isda. pagtatapa ang tawag sa pamamaraan ng paggawa ng tapang isda.  

Ang daing naman ay tinuyong isda. Karaniwang hinahati ito, binababad sa asin. May mga boneless rin na daing.

Lahat ng mga ito ay produktong galing sa isda.

Para sa mga karagdagang Impormasyon, bisitahin ang link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/4802548

pangunahing produkto ng isda.

#LetsStudy