👤

gumawa ng sanaysay tungkol sa kolonyalismo​

Sagot :

Answer:

Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha rito ang iba pang pangangailangan ng mananakop. Ang kolonyalismo ay madalas na naihahalintulad sa Imperyalismo ngunit ang dalawa ay mayroong pagkakaiba."Maaaring magsilbing baseng pangkalakal o pangmilitar ang kolonya".Mayroon din itong gamit sa paglalakbay ng mga tao sa ating bayan.

Tinatawag na kolonyalismo ang pananakop ng isang bansa sa iba pang bansa upang palawakin ang teritoryo o nasyong sakop nito na kung saan pinagsasamantalahan ng nanakop na bansa ang mga yamang taglay ng nasakop na bansa. Sa pananakop na ito hindi lamang yaman ang inaangkin kundi maging iba pang pangangailangan ng nanakop na bansa. Madalas mang maihalintulad ang kolonyalismo sa imperyalismo, gayunpaman ay mayroon parin itong pagkakaiba. Kung ikukumpara sa imperyalismo, maaaring magsilbing base para sa kalakalan at militar ang kolonya. Layunin ng kolonyalismo ang makinabang sa kung anong mayroon ang nasakop na bansa upang magamit sa pag-unlad ng mananakop na nasyon.

Ang kolonyalismo ay nag-iiwan ng bakas sa isang bansa. Dahil sa pananatili ng mga dayuhang mananakop ay nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating mga nakaugalian at mga kultura. Napapalitan din nito ang ilan sa sistema ng pamumuhay ng mga taong lokal.

Explanation: