1. Ang mabutihang kaibigan ay handing dumamay sa iyo. Ginagawa niya ito sa lahat ng oras lalo't higit sa panahon ng Kagipitan. May kasabihan na ang mga tunay mong kaibigan ay mas makikilalang lubos sa oras ng iyong kagipitan. Hindi ka nila iiwan sa gitna ng kahirapan, suliranin, o mga balakid na kinahaharap. Bagkus, sila ay handing tumulong sa abot ng kanilang makakaya.