Sagot :
Answer:
Ang Torogan ay isang tradisyonal na bahay na itinayo ng mga Maranao sa lalawigan ng Lanao, Mindanao, Pilipinas. Ang torogan ay isang tanda ng mataas na katayuan sa lipunan. Ito ay isang noo'y tahanan sa mga Sultan o Datu sa pamayanang Maranao. Sa kasalukuyan, mga bahay na yari sa konkreto na ang mahahanap sa mga buong pamayanang Maranao, ngunit may mga natitira pang mga torogan na sandaang taong gulang na. Ito'y mahahanap sa Dayawan at sa lungsod ng Marawi, pati na rin malapit sa lawa ng Lanao.