👤

Q3.Ano ang PHIVOLCS?Ano ang trabaho nito?


Sagot :

Answer:

Ang Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya (sa Ingles: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, pinaikli bilang PHIVOLCS) ay isang pambansang institusyon sa Pilipinas na nakatutok para magbigay-alam sa mga kilos at kalagayan ng mga bulkan, lindol at mga tsunami pati na rin ang ibang kabatiran at pag-lilingkod lalo na para sa pangangalaga ng buhay at ari-arian at sa suporta ng mga pang-ekonomiya, produktibo at tuluyang paglago. Isa ito sa mga sangay na ahensiya ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya.