Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling
ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Alin ang HINDI nagpapakita ng pagiging isang mabuting lider?
A. pagpipilit ng pansariling layunin
B. pakikinig sa hinaing ng mga kasama
C. pagbabahagi ng pangarap ng samahan
D. pangangalaga sa kapakanan ng mga kasapi
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasanayan o skills ng ulirang tagasunod ayon kay
Kelly (1992)?
A. job skills B. organizational C. communication D. values component
3. Ang taong ito ang
nagsisilbing tagapanguna ng isang samahan. Layunin niya na paunlarin ang bawat isa
patungo sa pag-abot sa pangitain o pangarap.
A. lider B. tagasunod C. tagasuporta D. tagapamayapa
Para sa tanong bilang 4-5
A. Inspirasyonal B. Adaptibo C. Rasyonal D. Transpormasyonal
4. Anong uri ng pamumuno ang ipinapikita kung ang lider ay nagiging mabuting ehemplo
ng mga kasapi?
5. Si Glenda ay nagsisilbing mentor o tagapagturo sa kaniyang mga kasama.
Anong uri ng pamumuno ang ginagamit dito?