👤

ano ang limang (5) layunin ng paggawa?​

Sagot :

Limang layunin ng paggawa:  

  1. Makapag-ambag sa pag-angat may kinalaman sa mga pagbabago sa larangan ng teknolohiya at agham  
  2. Iangat ang kultura at moralidad ng komunidad na ating kinauugnayan
  3. Maipalamalas ang kakayahan natin sa pagtulong sa mga taong nangangailangan
  4. Nagbibigay dahilan ito sa pag-iral ng mga tao
  5. Nagsisilbing daan ang paggawa para kumite at mabuhay

Ano ang kahulugan ng paggawa?

Ito ay maituturing na mga pagkilos na naisasagawa ng isa para makatulong sa iba. Tao lamang ang pinagkalooban ng Diyos sa paggawa. At ang paggawa ay maaaring sa paraan ng mabilisan o kaya mano-mano. Isang gawain ito na may pagkukusa na mula sa puso ang pagkilos sa isang bagay. May kalakip na pagkamalikhain ito sa larangan ng mga produkto.  

Iba pang layunin ng paggawa:

  • Makapagpayaman o paunlarin pa ang dangal ng isang tao
  • Taglayin o magkaroon ng pagnanais na ibahagi rin sa iba ang kakayahan mo para sa ikasusulong nito
  • Para tumugon sa naisin ng Diyos at mapaunlad pa ang buong mundo
  • Magkaroon ng higit na kabuluhan sa pag-iral ng tayo sa mundong ginagalawan
  • Nagsisilbing pagkakakilanlan ng pagsunod sa daloy ng kasalukuyang modernisasyon

Tingnan pa ang link na ito para sa karagdagang detalye:  

Ang kahalagahan ng paggawa para sa isang tao:  

brainly.ph/question/451391

brainly.ph/question/6190206

#BrainlyEveryday