Heleana at Paziena May dalawang magkaibigan na sina Heleana at Pariena. Maliban na sila ay magkaibigan, magkapitbahay pa ang dalawa at magkaklase sa ikaanim na baitang sa Mababang Paaralan ng Sigma, Lalawigan ng Capiz. Araw ng Biyernes sa klase nila sa Filipino nagkaroon sila ng gawain na magsulat ng tula na may temang "buhay-bata". Itatanghal nila ito sa klase sa paraang ilalapat sa makalumang awitin. Gagawin ito ng dalawahan. "O! Naunawaan ba ninyo mga bata ang magiging gawain ninyo?" tanong ni Ginang Cadelena guro nila sa Filipino. "Opo mam," sagot ng dalawa. Araw ng Sabado, pagkatapos mananghalian nagkasundo ang dalawa na gumawa ng kanilang gawain dahil nga magkapitbahay sila at madali lang silang nagkita "O, ano? Leron Leron Sinta na lang ang ilalapat nating tunog sa ating ginawang tula," sabi ni Paziena. "Oo sige, maganda nga iyon,” wika naman ni Heleana na parang kinikilig sa sobrang saya. Dumating na ang araw ng kanilang pagtatanghal sa klase. Ang lahat ay nasasabik sa presentasyon ng bawat isa. Sariling akda: Susan J. Quistadio
Magbigay ng tatlong maaaring mangyari sa araw ng pagtatanghal ng mga mag- aaral.