PANUTO: A. Kilalanin ang antas ng wika na tinutukoy sa mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang kasagutan. 1. Ito ay antas ng wika na ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon. a. Lalawiganin b. teknikal c. balbal d.kolokyal 2. Ito ay ang wikang ginagamit sa lansangan o dili kaya sa mga umpukan ng tao. a. Pampanitikan b. kolokyal c. teknikal d. balbal 3. Wikang ginagamit sa isang rehiyon o lalawigan. a. Kolokyal b. lalawiganin c. teknikal d. pampanitikan 4. Wika na karaniwang may palit o koda at ginagamit sa pang araw-araw na pakikipag-usap. a. Kolokyal b. balbal C. pampamitikan d. teknikal 5. Ito ay antas ng wika na nagbibigay pahiwatig sa mga simbolismo o larawang-diwa. a. Balbal b. pampanitikan c. kolokyal d. lalawiganin