Sagot :
Answer:
Ang isa sa mga sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Griyego o ang tinatawag na mitolohiyang Griyego. Ilan sa mga sikat na tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena, at iba pa.
Ang salitang mito/mythay galing sa salitang Latin na mythosat mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay "paglikha ng tunog sa bibig". Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga nilalang. Ipinaliliwanag rin dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.