👤

kahulugan ng madidilim na anino?​

Sagot :

Answer:

Answer:

ANINO

Ano ang anino?

Ang anino ay ang madilim na imahe na nabubuo kung saan nahaharangan ng tao o bagay ang liwanag. Ang anino ay repleksyon ng tao o bagay na kulay itim. Anumang pagkilos o paggalaw ng tao o bagay ay sinusunod lamang ng anino. Sa Ingles, ito ay shadow.

Pamahiin Tungkol sa Anino

Bagama't simple lamang kung iisipin ang isang anino ay mayroon din palang ilang pamahiin ang mga nakatatanda tungkol dito. Narito ang ilang pamahiin tungkol sa anino at kahulugan nito.

Ang paglalaro ng anino ay masama dahil ang paglalaro nito ay nangangahulugan ng pag-anyaya sa mga masasamang espiritu.

Kapag naman nakita mo ang anino mo na dalawa, ibig sabihin ay may espiritu o kakaibang nilalang sa tabi mo na gustong makipag-ugnayan sa iyo. Ngunit kung mangyari ito ay huwag nalang pansinin dahil sa oras na pansinin mo ito ay hindi ka na niya titigilan.

Ang nakakatakot na pamahiin tungkol sa anino ay kapag nakita mong nagmamadali ang iyong anino o halos mauna pa ito sayo sa paglalakad. Masama ito dahil ibig sabihin ay nalalapit na ang hangganan ng iyong buhay o kaya naman ay inaakay ka nito papunta sa direksyon kung saan may kapahamakan. Kung mangyari naman ito ay huwag ng tumuloy sa iyong pupuntahan. Magpunta na lamang sa ibang lugar na wala sa iyong plano. Kung maaari ay sa mataong lugar magpunta.

Ang mga ito naman ay pamahiin lamang at hindi sinasabing totoo. Nasa paniniwala parin iyon ng tao.

Explanation:

Hope its helps!!

Answer:

Mga masasamang kaluluwa