Sagot :
Answer:
mahalagang utak at puso ang mamumuno sa ating pagkatao at huwag ang emosyon. Lagi nating marapat na tandaan yan kase maraming nagpapadala sa kanilang emoyon at nagsisisi rin makatapos ang ilang araw.. kung wala parin ay malamang ikaw ay may (mental disorder) at hindi biro yun at kinakailangan ng mga ekeperto para doon... so the answer is (isipin Kung tama ba ang ginagawa at magsisisi kaba pagkatapos nito)
Explanation:
Ang wastong pamamahala ng emosyon ay makakatulong upang mapaunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa. Sapagkat mas nagiging madali ang pakikipaghalubilo sa iba at pakikisama sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon. Anumang negatibong komento na iyong naririnig ay hindi nakakaapekto sa iyong desisyon na manatiling maging mabuti. Sapagkat ang taong may wastong pamamahala sa emosyon ay nasa tamang direksyon ang isip at kilos. Ito rin ay masasalamin sa mga sumusunod na palatandaan. Una, ang pag ako ng responsibilidad ay dapat na pinananinindigan. Ikalawa, ang kagustuhan na makiisa sa iba. Ikatlo, ang pagiging isport sa lahat ng bagay at pag tanggap ng pagkatalo ng buong giting. Ikaapat, ang pagiging mahinahon sa kabila ng hindi kanais - nais na mga pangyayari. Ikalima, ang kakayahan na makagawa ng desisyon ng mag isa at hindi dinidiktahan o tinuturuan ng iba. Kapag ang mga hakbang na ito ay nasunod ng isang tao, nangangahulugan na sya ay may wastong panuntunan upang pamahalaan ang kanynag emosyon. Katunayan, ang mga taong may ganitong kakayahan ay higit ng mapalad sapagkat hindi lahat ng tao ay may ganitong kakayanan at karaniwan ay nabibigo na pangasiwaan ang kanilang emosyon kaya namn nakagagawa sila ng hindi mabuting desisyon na nakakaapekto hindi lamang sa kanilang sarili maging sa kanilang kapwa.