Sagot :
Answer:
COVID 19
Ni Carmela M. Ramirez
Ano itong dulot mo. Oh Covid 19?Saan ka ba nanggaling, bakit kami'y naka quarantine?Buong mundo'y binulabog mo sa iyong pagdating.
Sa isang patak na laway sa hangin ay kumalat.Lahat ng tao sa mundo ay biglang nagulat.Maraming buhay ang nadamay, sa pamilya ay nawalay.Nilisan ang trabahp, pamilya nila'y sinaklolo.
Hinarap ang pagsubok at pasakit na dulot mo.Upang maisalba buhay ng pamilya na meron ako.Oh! Covid 19, ano ang dapat naming gawin?Ika'y isang puwing sumabay sa ihip ng hangin.
Naging salot ka at balakid sa buhay namin Bakit nananatiling isang panganib sa amin?Kailan mo kaya kami lilisanin?Ilang buhay pa kaya ang iyong kukunin?
Kami'y nagsusumamo at nananalangin.Iyo sanang marapatin ang aming hiliUpang buhay namin ay mawala na sa dilimMamuhay ng mapayapa at puno ng pag-asa