👤

masamang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan​

Sagot :

Answer:

Ang migrasyon ay maaring magdulot ng 'brain drain', o paglisan ng mga propesyonal at mga manggagawang may espesyal na kasanayan sa isang larangan.

Explanation:

Answer:

Mga Negatibong Epekto

1. Ang pagkawala ng mga tao sa isang lugar ay may epekto sa pag-unlad sa dakong iyon. Nagkakaroon ng ‘brain drain’ o pagkaubos ng kapaki-pakinabang na ‘human resources’ sa isang bansa sapagkat ang kanilang mahuhusay na propesyunal ay sa ibang bansa naghahanapbuhay.

2. Ang pagdagsa ng mga manggagawa sa mga lungsod o bayan ay nagdaragdag ng kumpetisyon sa trabaho, matitirhan, mapapasukang paaralan, at iba pa. Nagbubunga rin ng overcrowding at heavy traffic sa mga kalsada.

3. Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay nagbubunga ng kakapusan sa mga likas na yaman, serbisyo, at amenities. Pinalalawak ng migrasyon ang mga slum o squatter area sa mga lungsod na nakapagdadagdag sa mga suliranin tulad ng polusyon, krimen, at iba pa.