Pano matutukoy ang kahulugan ng mga di pamilyar na salita sa pangungusap?
![Pano Matutukoy Ang Kahulugan Ng Mga Di Pamilyar Na Salita Sa Pangungusap class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d02/4c600b0a54bfd25d8fe849e6ad5c9206.jpg)
Answer:
Di - Pamilyar na Salita:
Di - pamilyar na salita ang tawag sa mga salitang hindi karaniwang ginagamit sa pang araw araw na komunikasyon o pakikipag usap.
10 halimbawa:
alibugha
alimpuyok
badhi
katoto
kubyerta
hunsoy
piging
salipawpaw
talaksan
polyeto
Ang salitang alibugha ay nangangahulugang iresponsable at waldas. Sa Bibliya, ito ay ginamit bilang bahagi ng isang parabula na nagnanais na magturo ng pagmamahal sa magulang at pagiging isang mabuting anak sa magulang.
Halimbawang Pangungusap:
Ang asawa ni Mang Tino ay alibugha sapagkat agad itong nag – asawa nang siya ay namayapa at iniwan ang kanilang mga supling sa pangangalaga ng kanilang lola Bening.
Ang katagang alimpuyok ay tumutukoy sa amoy ng sinaing na nasusunog.
Halimbawang Pangungusap:
Kung hindi pa naamoy ni Aling Marta ang alimpuyok ng niluluto ay hindi nito malalaman na sunog na ang kanyang isinalang.
Ang salitang badhi ay tumutukoy sa mga guhit ng palad ng isang tao.
Halimbawang Pangungusap:
Binasa ng Impong Selo ang aking badhî at sinabing magiging maganda ang aking kinabukasan.
Ang salitang katoto ay tumutukoy sa matalik na kaibigan o kumpadre.
Halimbawang Pangungusap:
Handa kong samahan ang aking mga katoto sa anumang mga suliranin na kanilang kinakaharap sapagkat kami ay tila magkakapatid na kung magturingan.
Ang salitang kubyerta ay nangangahulugang palapag o sahig ng malalaking sasakyang pandagat na tulad ng bapor.
Halimbawang Pangungusap:
Sa kubyerta ng Bapor Tabo ay makikita sina Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene, Padre Salvi, Donya Victorina, Simoun, at ang kapitan heneral.
Ang katagang hunsoy ay tumutukoy sa isang sigarilyo na mataba na kasing hugis ng tabako ngunit hindi nauubos dahil ang lalagyan ay isang bakal.
Halimbawang Pangungusap:
Hunsoy ang ibinigay na regalo ni Mario para sa kaarawan ng kanyang lola.
Ang salitang piging ay tumutukoy sa isang espesyal at magarang handaan.
Halimbawang Pangungusap:
Si kapitan Tiyago ay nagpahanda ng isang piging para sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra at pasasalamat sa birheng Maria.
Ang salipawpaw ay ibang salita para sa sasakyang panghimpapawid na tulad ng eroplano.
Halimbawang Pangungusap:
Magkakasamang sumakay ng salipawpaw ang pamilya ni Junior patungong Kidapawan upang bisitahin ang kanilang bahay – bakasyunan at Makita ang kanilang mga kamag - anak.
Ang salitang talaksan ay tumutukoy sa mga mahahalagang dokumento.
Halimbawang Pangungusap:
Itinago ni G. Eusebio ang mga talaksan sa kanyang vault na matatagpuan sa kanyang silid.
Ang ibig sabihin ng salitang polyeto ay isang papel na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa isang produkto o serbisyo.
Halimbawang Pangungusap:
Nais ni Gina na sumulat ng isang polyeto upang ipabatid ang debate na gaganapin sa unibersidad sa darating na Linggo.
Explanation:
Answer:
sa pag gagamit ng dictionario
Explanation: