Sagot :
Sagot:
Upang mapatatag ang aking negosyo, ang kailangan kong gawin ay paghandaan at pagplanuhan ang mga bagay na posibleng mangyari upang maging masaayos agad ito. Sisikapin na pag-aralan ang daloy ng kabuhayan at ekonomiya ng ating bansa. Kasabay nito, magkaroon ng kaalaman sa tamang presyo ng produkto o serbisyo para maibenta sa karamihan. Gayundin, makakatulong ang pagaabiso sa mga customer na magkakaroon ng mga pagbabago at mauunawaan naman nila ito.
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaisipan at saloobin ng patiuna dahil nagiging handa ka sa posibleng mangyari sa negosyo. Tutulong ito upang hindi mauwi sa pagkalugi. Gabay rin ito upang makapag-isip tayo ng mga paraan at mabigyan ito ng solusyon. Kaya sa pagnenegosyo, hindi lang ito basta pagkita ng maraming pera, kundi kasama dito ang pag-iisip ng mga gagawin upang mapanatiling matatag ito.
Anu-ano ang mga paraan upang mapatatag pa ang iyong negosyo?
Tingnan ang ilan sa halimbawa:
- Pag-aralan ang mga posibleng problema at magkalap ng impormasyon
- Magkaroon ng positibong saloobin at huwag sumuko agad
- Sikapin na lakipan ito ng saya at pagmamaha
- Iadvertise ito sa karamihan upang mas makilala pa at gamitin ang larangan ng social media
- Magbigay ng mga promo at discounts
- Ingatan ang mga tauhan o empleyadong nagtatrabaho sa iyo
- Alagaan ang mga customer mo
- Magpokus sa tunguhin mo para sa negosyo mo
Maliit man o malaki ang ating negosyo, ang pangunahin o hangad natin dito ay maging matagumpay. Gawin ang lahat ng pagsisikap natin na palaguin ito at makilala ng marami. Lakipan ito ng karunungan at pag-ibig upang makapag-isip ng ayos at gumawa ng tamang mga desisyon. Maging handa at magsigurado sa posibleng mga mangyayari nang sa gayon ay hindi mauwi sa lungkot ito.
Tingnan pa ang link na ito para makapagbasa pa ng higit may kaugnayan sa pagnenegosyo:
Paano makakatulong ang DTI sa larangan ng pagnenegosyo: brainly.ph/question/2640140
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng lupa sa pagnenegosyo: brainly.ph/question/7216849
Ang kahulugan ng maabilidad na pagnenegosyo: brainly.ph/question/2654375
#BrainlyEveryday