👤

Positibong epekto ng migrasyon sa aspektong lipunan​

Sagot :

Answer:

Mga Positibong Epekto

1. Nababawasan ang ‘unemployment’ o kawalan ng trabaho at ang mga tao ay nakakakuha ng mas magandang oportunidad sa pagtatrabaho.

2. Ang migrasyon ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga tao.

3. Nakakatulong ito sa pagpapahusay ng buhay panlipunan ng mga tao habang natututo sila ng mga bagong kultura, kaugalian, at wika na makakatulong upang mapabuti ang kapatiran o relasyon nila sa iba.

4. Ang migrasyon ng mga bihasang manggagawa at talentadong propesyunal ay nagbubunga ng paglago ng ekonomiya ng isang rehiyon.

5. Ang mga kabataan ay nakakakuha ng mas magandang oportunidad para sa mataas o magandang edukasyon.

6. Ang population density at birth rate sa isang lugar ay nababawasan.

Mga Negatibong Epekto

1. Ang pagkawala ng mga tao sa isang lugar ay may epekto sa pag-unlad sa dakong iyon. Nagkakaroon ng ‘brain drain’ o pagkaubos ng kapaki-pakinabang na ‘human resources’ sa isang bansa sapagkat ang kanilang mahuhusay na propesyunal ay sa ibang bansa naghahanapbuhay.

2. Ang pagdagsa ng mga manggagawa sa mga lungsod o bayan ay nagdaragdag ng kumpetisyon sa trabaho, matitirhan, mapapasukang paaralan, at iba pa. Nagbubunga rin ng overcrowding at heavy traffic sa mga kalsada.

3. Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay nagbubunga ng kakapusan sa mga likas na yaman, serbisyo, at amenities. Pinalalawak ng migrasyon ang mga slum o squatter area sa mga lungsod na nakapagdadagdag sa mga suliranin tulad ng polusyon, krimen, at iba pa.

4. Mahirap para sa mga galing sa liblib na probinsiya na mabuhay sa mga lungsod o bayan dahil walang malinis na hangin. Kailangan din nilang magbayad para sa halos lahat ng bagay. Kapag hindi kaya ang gastusin, ang mga anak ay lumalaki sa kahirapan at walang sapat na nutrisyon at edukasyon.

5. Binabago ng migrasyon ang komposisyon ng populasyon ng isang lugar (gaya ng naganap na hindi pantay na pagkakabahagi ng populasyon sa India). Minsan, ang mga migrante o dayuhan ay napagsasamantalahan.

6. Maraming migrante o dayuhan ang hindi kwalipikado sa trabaho at kulang din sa pangunahing kaalaman at kasanayan sa buhay. Ang mga ganito ay nagiging pabigat lamang sa lokal na pamahalaang nilipatan.

Explanation: