Panuto: Basahin ang pag-uulat sa ibaba. Gumawa ng patalastas at islogan
gamit ang mga impormasyon na matatagpuan sa pag-uulat.
Taunang Patimpalak sa Pag-sayaw sa Plaza
Nagkakaroon ng taunang patimpalak sa pag-sayaw sa plaza tuwing
fiesta. Ginaganap ito tuwing huling gabi ng fiesta sa ganap na ika-6 ng gabi.
Maraming mga mananayaw, grupo man, duo, o solo ang nagpapaligsahan
upang makamit ang kampyonato at premyong salapi. Si Konsehal Manny
Baguio, sa tulong ng kanyang mga kasamahan, ang punong abala sa
patimpalak na ito.
Sa taong ito, marami muli ang naglakas loob na sumali sa kompetisyon.
May mga solo, duo, at hindi mawawala ang mga grupong magpapahanga sa
iyo dahil sa iisang paggalaw nila kasabay ng tugtugin. Mas marami ring mga
batang kalahok ang sumali sa taong ito. Puno ang plaza ng mga manonood
dahil naging parte na ng pagdiriwang ng pista ang paligsahang ito. Di
magkamayaw sa palakpakan at sigawan ang mga tao lalo na noong
magsimula ang grupong Pirate Dance Crew, na tatlong taon nang sunod-
sunod na nagwawagi. Marami ring ibang mga mananayaw ang magagaling
kaya’t siguradong mahigpit ang labanan.
Sa huli, muling nakamit ng Pirate Dance Crew ang titulo ng kampyon
sa pagsayaw sa pista. Kahit hindi nagwagi ay halata naman sa mukha ng
ibang mga kalahok ang saya ng pagkakataong makasali sa taunang
kompetisyon. Masaya at naghihiyawan pa rin ang mga tao habang pauwi sa
kani-kanilang mga tahanan. Muli, natapos na naman nang masaya at
mapayapa ang pista.