Gawain Bilang 2: Tukuyin kung gumamit ng Hyperbole sa bawat pangungusap lagyan ng tsek (/) kung OO at ekis (x) naman kung hindi.
_______1. Nasa kaniya na ang lahat ng kayamanan sa mundo.Wala na siyang iban mahihiling pa.
_______ 2. Isang trak sa dami ang kailangan kong basahin.
_______ 3. Kumikindat at ngumiti sa akin ang mga bituin sa kalangitan.
_______ 4. Susuungin ko ang apoy maabot ko lamang ang aking pangarap sa buhay.
_______ 5. Sa sobrang init sa labas ay maari ng makapagluto
Gawain Bilang 4 Piliin ang nais ipakahulugan ng mga sumusunod na hyperbole sa bawat pangungusap .
Namuti na ang buhok ni Jane sa paghihintay kay Sarah.
A. Matagal na naghintay sa Jane kay Sarah
B. Tumanda na si Jane sa paghihintay kay Sarah.
2. Abot-langit ang pagmamahal niya sa kanyang kaibigan.
A. Mahal na maha niya ang kaniyang kaibigan
B. Hindi niys kayang mahalin ang kaibigan.
3. Bumabaha ng tulong sa lugar na sinalanta ng bagyo. Kabi-kabila ang mga pagkain at mga damit na ipinamimigay.
A. Walang tumulong sa mga biktima ng bagyo.
B. Maraming tumulong sa mga biktima ng bagyo.
4. Pasan- pasan ko ang daigdig.
A. Binubuhat ko ang mundo.
B. Marami na akong problemang kinakaharap sa buhay.
5. Umuusok ang ilong ni Ruel sa galit.
A. Galit na galit si Ruel.
B. May sakit sa ilong si Ruel.