👤

1.Mula sa balkonahe ng munispyo tanaw ang buong bayan ng San Felipe. Ano ang ibig sabihin ng balkonahe?
A.isang bahay o gusali
B.isang uri ng teleskopyo
C.entabladong nakausli sa dingding ng gusali
2.Ang aming mayor ay magaling na diplomatiko. Ano ang kahulugan ng salitang diplomatiko? *
A.taong matalino, matalas at mahusay sa pakikipag-unawaan
B.mahusay magsalita
C.pulitiko
3.Kapag araw ng piyesta sa aming bayan, madaling araw pa lamang ay umiikot na ang banda ng musiko para salubungin ang magandang araw ng pagdiriwang. Ano ang kahulugan ng banda? *
A.pangkat ng musikero
B.pangkat ng mananayaw
C.pangkat ng mga mamamayan
4.Maraming banyaga ang nagnanais na makapamasyal sa ating bansa. Ano ang ibig sabihin ng salitang banyaga? *
A.likas na mamamayan
B.mahilig makipagsapalaran
C.dayuhan, hindi mamamayan ng bansa.
5.Naging maunlad ang aming barangay dahil sa masinop na pamamahala ng aming barangay chairman. Ano ang kahilugan ng salitang pamamahala?
A.pagdisiplina
B.pangangasiwa
C.pagkontrol
6.Kaygandang pagmasdan ang pagmartsa ng mga kadete. *
A.pagkandirit
B.pagtataas ng watawat
C.sabay-sabay na paglalakad
7.Mga huwarang kawani ang aking mga magulang. Ano ang kahulugan ng salitang kawani?
A.dyanitor
B.manggagawa
C.mensahero