👤

ano-ano ang ang apat na hakbang at prinsipyo sa pagsusulat ng pananaliksik?​

Sagot :

Answer:

Pre-writing

Ito tumutukoy ang yugtong ito sa lahat ng paghahanda bago ang aktuwal na pagsulat. Kinapapalooban ito ng paglalatag ng mga tala mula sa nakuhang datos, paghahain ng mga ideya, pagbabalangkas, pagtitiyak sa mga sanggunian, at pagsasaayos ng mga nabuong komento at punto.

Kadalasang mahirap para sa nagsisimulang magsulat ang yugto ng pre-writing at may pagkakataong nilalampasan pa ito. lto ang nagdudulot ng hilaw na paglalatag ng ideya o sa madaling sabi, mahinang kalidad ng pananaliksik. Mahalagang isaisip na ang pre-writing ay esensiyal na panahon ng pag-iisip para sa paksa. Natural na tumagal ito ng higit sa isang linggo—isang katotohanang hindi minamadali ang anomang pananaliksik.

Composing

Ito ang yugto ng aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. Kadikit nito ang pagsasayos ng bibliyograpiya at talababa, paghahanda para sa presentas-yon, at pagbubuo ng introduksiyon at kongklusyon. 

Mabisang teknik sa yugtong ito ang free writing. Sa free writing, tuloy-tuloy na isinusulat ng mananaliksik ang lahat ng ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Sa nasabing paraan, ang mananaliksik ay hindi tumitigil para basahin lamang ang kaniyang naisulat at isaayos ang kaniyang gramatika, gamit ng salita, o bantas.

Hinahayaan din niyang dumaloy ang lahat ng kaniyang ideya sa papel at saka na lamang rerepasuhin matapos. Sa pamamagitan ng free writing, napatatatag ang ugnayan sa pagitan ng mabilis na dagsa ng ideya at ng pagsulat.

Rewriting

Ito ang yugtong tinatasa at nirerepaso ng mananaliksik ang sulatin sa pamamagitan ng pagtitiyak sa kaisahan ng mga ideya at pahayag, pagwawasto sa mga maling gramatika, pagtitiyak na kinilala ang mga sinangguni, at pagrerebyu sa tono at paraan ng pagkakasulat. ito ay sapagkat hindi natatapos ang proseso sa aktuwal na pagsulat. Mahalagang balikan muli ang nabuong saliksik upang pakinisin pa ang mga pahayag. Nakatutulong ang yugtong ito sa mabisa at malinaw na daloy ng saliksik. 

Natural sa mga saliksik, partikular ang nasa anyong draft o borador pa lamang, na sumailalim sa rewriting. Sa katunayan, maging si Ernest Hemingway ay sina-sabing nagrepaso nang 39 na ulit ng katapusan ng nobelang Farewell to Arms. Para sa isang pananaliksik, karaniwang dumadaan sa tatlo hanggang apat na rebisyon ang sulatin. Huwag panghinaan ng loob na isagawa ito dahil tiyak na mapabubuti nito ang saliksik. Makatutulong ding bago simulan ang rebisyon ay palipasin muna ang ilang araw na hindi binibisita ang sulatin. Sa ganitong paraan, nababakante ang isip sa anomang pagkiling na maaaring nabuo sa panahon ng pagsulat ng borador ng pananaliksik.

PA BRAINLIEST THANKS