Sagot :
Answer:
ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo. Ipagpalagay natin ang halimbawang ito. Si Corazon ay nagmamay-ari ng isang maliit na tindahan malapit sa paaralan. Kamakailan lamang ay napag-isipan niyang magtinda ng isang bagong produkto - ang home madeniyang kendi. Sa unang araw, gumawa siya ng 50 kendi at ibinenta sa halagang limang piso kada piraso. Nalungkot siya dahil maraming natira sa kaniyang mga paninda.Si Maria, ang kaniyang suki, ay bumili lamang ng 10 piraso. Nagkaroon ng labis na 40 piraso. Dahil sa kalabisan, binabaan niya ang presyo ng mga ito sa halagang dalawang piso. Sa pagbaba ng presyo, naging maganda ang pagtugon ni Maria. Sa mababang halaga, 40 piraso ang nais at handang bilhin ni Maria ngunit 20 pirasong kendi lamang ang handa at kayang ipagbili ni Corazon. Dahil sa labis na demand, nahikayat siyang dagdagan ang ipagbibiling kendi ngunit sa mas mataaas na presyo. Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa interaksiyon ng demandat supply. Mula sa mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka sa pagsagot ng katanungan kung paanong ang interaksiyon ng demandat supplyay nagiging batayan ng matalinong pagdedesisyon ng prodyuser at konsyumer tungo sa pambansang kaunlaran. Halina’t umpisahan mo na!PAUNLARIN