Sagot :
Answer:
FEASIBILITY STUDY Bago tuluyang lumikha ng isang negosyo o proyekto, nagsasagawa muna ng feasibility study ang mga tagapagtaguyod nito. Nakatutulong ito upang matiyak ang posibilidad na maisakatuparan ang isang planong gawain.Komprehensibo ang ganitong uri ng pag-aaral, katulad ng ibang pananaliksik at pormal ang paggamit ng mga salita.May mga espesipikong bahagi ang isang feasibility study katulad na lamang ng pamagat, pangalan ng gumawa, abstrak, buod o executive summary, panimulang pagtalakay sa mga detalye at datos ng proyekto, gayundin ang resulta at rekomendasyon.Kung titingnan ang mga halimbawa ng feasibility study ay matatagpuan dito ang mga salitang teknikal na may kinalaman sa proyekto o pangunahing paksang ginagawan ng pag-aaral. •Kalimitan itong ginagamit sa pagnenegosyo o kaya’y sa mga pananaliksik na may kinalaman sa agham at teknolohiya, inhinyeriya at iba pang katulad na mga larangan. Katangian at Kalikasan