1.Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa paraan ng pagsasailalim ng mga Espanyol sa Pilipinas maliban sa isa. Alin dito?
A.Pinagsamasama ang kanilang tirahan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol
B.Pinangasiwaan ng encomendero ang mga katutubong nagpasakop sa Espanya
C.Binigyan ang mga katutubo ng karapatan sa pagpili ng kanilang relihiyon
D.Ipinatupad ang paniningil ng tributo upang may mapaggastusan sa pangangailangan ng kolonya
2.Ginamit din ng mga Espanyol ang Krus sa pagtuklas at pagsakop sa mga bagong lupain. Ano ang sinisimbolo ng krus?
A.Maipalaganapang Kristiyanismo
B.Makamit ang karangalan ng bansa
C.Makakuha ng mga likas na yaman
D.Mapaunlad ang ekonomiya ng kolonyal
3.Ito ay tumutukoy sa pagmimisyon ng mga prayle sa koloyal na kung saan hinihiyat nila ang mga katutubo na tanggapin ang Kristiyanismo.
A.Kristiyanismo
B.Reducciones
C.Kolonyalismo
D.Encomienda
4.Ano ang tawag sa sapilitang pagpapatira sa mga katutubomula sa orihinal nilang tirahan gaya na lamang sa tabing ilog o kabundukan tungo sa bayan na tinatawag na pueblo?
A.Kristiyanismo
B.Reducciones
C.Kolonyalismo
D.Encomienda
5.May mga sistemang ipinatupad ang mga Espanyol upang lalong mapabuti ang pamamahala sa Kolonyal ng Espanya. Isa na dito ang pagbibigay ng gantimpala sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. Ano ang tawag dito?
A.Kristiyanismo
B.Reducciones
C.Koloyalismo
D.Encomienda
6.Ano ang tawag sa binigyan ng karapatang humawak ng encomienda at maningil ng buwis mula sa mga mamamayang nasasakupan? *
A.Polista
B.Conquistador
C.Encomiendero
D.Misyonero
7.Pinairal ang Polo y Servicios upang mabasan ang gastusin ng pamahalaan. Paano mo ito mailalarawan?
A.May tungkuling magbigay ng serbisyo ang 16-60 taong gulang lalaki
B.Ang bawat Pilipino ay inaasahang maglingkod sa polo
C.Mga kabataan lamang ang may karapatang maglingkod sa polo
D.ang mga mayayamang Pilipino at Espanyol lamang ang maaaring magtrabaho sa Polo.