MGA PAGSASANAY Pagsasanay 1 Panuto: Iguhit ang (/) sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan (*) kung hindi. 1. Nagpadala ang inyong guro ng mga kagamitan para sa Sining napansin ni Mona na kulang ang dalang gamit ni Loyda kaya ibinahagi niya ang iba sa kanyang mga kagamitan. 2. Napansin ni Hilda na nag-iisa si Dina na kumakain ng kanyang tanghalian sa kantina kaya nilapitan niya ito at tinanong kung pwede siyang makisabay dito. 3. Masayang naglalaro ang mga bata sa labas ng kanilang mga tahanan kasama na dito si Miko. Nakita ni Miko na nakadungaw lamang sa bintana si Niko kung kaya't bigla niya itong tinawag at sinabing "kawawa ka naman Niko, hindi ka pinapayagan maglaro ng Nanay mo sa labas" sabay hagikhik na tawa ni Miko. 4. Si Aling Nena ay suki na sa tindahan ni Manang Sabel. Isang araw, bumili si Aling Nena ng mga gulay sa kanya subalit kinulang ang kanyang dalang pera, nakiusap si Aling Nena na ibabalik na lamang niya bukas ang kulang na pera ngunit hindi pumayag si Manang Sabel. 5. Si Hena at Marga ay nagkatampuhan dahil sa hindi sinamahan ni Hena si Marga para bumili ng mga kagamitan para sa kanilang proyekto kinabukasan. Sa halip na mag-usap, hinayaan na lamang ng dalawa ang sitwasyon at tuluyan nang hindi na nagkibuan sa mahabang panahon.