Buuin ang bawat pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng wastong anyo ng pang- uri na nasa loob ng panaklong. Isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. (isa) Apat ang kapatid kong lalaki at_____ang babae 2. (matanda) Ako ang__ sa aming lahat. 3. (mahaba) Dahil dito,____ rin yata ang aking pasensiya. 4. (maunawain) Sa pagiging ate, natutuhan kong maging_____sa aking kapuwa. 5. (mahinahon) Masasabi kong____na ako ngayon kaysa dati. 6. (maingay) Sanay ako sa____ na paligid 7. (masaya) Sa tingin ko,_____ ang aming tahanan dahil marami kaming magkakapatid 8. (madali)_____ang gawaing-bahay dahil marami kaming nagtutulong-tulong. 9. (malapit) Sa kanilang lima,____sa akin ang aming bunso dahil pareho kaming babae. 10. (matalik) Siya ang aking____na kaibigan at pinakamalupit ding kaaway kung minsan