Ang panahon ng Hapon ay mapusok, madugo, malupit at nakakatakot ngunit napakaikli upang magkaroon ng matagalang bisa o pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
Hirap na hirap ang mga Pilipino, walang babala na lulusob pala ang mga Hapones sa Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Binomba at sinalanta ang mga eroplanong pandigma gamit ang mga tangke ng Hapon.
Ang mga Pilipinong mandirigma ay kulang pa sa mga baril, bala, pagkain at gamot, dinagdagan nila ang mga bagong sundalo na walang alam sa pakikidigma.
PANAHON NG PANDEMYA
Abot limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan sanhi ng pagkakalat sa ating bansa ng Covid-19, walang magawa ang mga tao kundi sumunod na lamang dito.
Ang panahon ngayon ng pandemya ay mahirap at mahigpit dahil sa pagpapatupad ng protocols ayon sa gobyerno upang hindi mahawaan ng sakit na ito na malubhang problema sa kalusugan.
Hanggang ngayon ay dapat pa rin tayong manatili sa sari-sariling nating tahanan, marami ding balita ang tungkol sa patuloy na pagdami ng kaso ng sakit na ito ngunit may ilan ding nakakaligtas.