Answer:
Mga Sasakyang Panlupa. Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang mapag-ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa
Mga Sasakyang Pantubig. Umunlad din ang transportasyong pandagat noong panahon ng mga Amerikano. Ang mga mababagal na bangka, kaskos at batel na ginagamit noong panahon ng mga Espanyol ay napalitan ng mga mabibilis na bangkang de-motor, lantsa, steam tugboats at mga inter-island steamer.
Mga Sasakyang Panghimpapawid. Ipinakilala naman sa mga Pilipino sa unang pagkakataon ang eroplano noong 1911. Ito ay pinalipad ni ‘Lucky’ Baldwin bilang bahagi ng isang palatuntunan sa Manila Carnival City. Noong 1930, sinimulan naman ng Philippine Aerial Taxi Co. o PATCO ang unang komersyal na eroplano sa bansa.