Pinatnubayang Pagsasanay 2 - Itama ang pagkakamali Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali Isulat ito sa sagutang papel. 1. Ang tao ay may kani-kaniyang pag-iisip, paniniwala, hilig at paninindigan. 2. Dapat nating igalang ang ideya o suhestiyon ng ating kapwa. 3. Sa gitna ng pagkakaiba-iba, ang tao ay nagkaroon ng magandang ugnayan at pagkakaisa. 4. Pumapanig sa suhestiyon ng kaibigan kahit mali. 5. Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba. 6. Nambubully ako sa aking kamag aral tuwing may pasok. 7. Sinasalungat ko ang paniniwala ng kaklase kong muslim. 8. Nakikiayon ako sa suhestiyon ng aking kagrupo na nakabubuti para sa lahat. 9. Iginagalang ko ang gawi ng kaibigan kong iba ang relihiyon sa akin. 10. Iginagalang ko ang anumang mungkahi ng aking kaibigan tungkol sa aking pagkatao