Sagot :
Explanation:
Sektor ng Industriya
Ang sektor ng industiya ay ang sektor kung saan ang pangunahing layunin ay makakuha at makaproseso ng mga hilaw na materyal upang makabuo ng mga tinatawag na ''finished goods'' o mga produktong pwede ng magamit ng mga tao o konsumer na naganagailangan.
Kabilang sa sekto ng industriya ang mga sumusunod gaya ng;
Pagmimina ( Mining)
Pagmamanupaktura (Manufacturing)
Konstruksyon ( Construction)
Utilidad (Utilities)
Pagmimina
Sa pamamagitan ng pagmimina, nakukuha ang mga yamang mineral gaya ng metal, di-metal o enerhiya upang gawing produkto para sa mga konsumer na nangangailangan nito.
Ang mga nakukuha sa pagmimina kahit hindi pa naproseso ay nagbibigay ng kita sa bansa gaya ng mga tapos na produkto na naproseso.
Pagmamanupaktura (Manufacturing)
Tumutukoy ito sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o gamit ang mga makina. Nagkakaroo ng mga pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga original na materyales sa pagbuo ng bagong produkto.
Konstruksyon (Construction)
Tumutukoy ito sa paggawa ng mga kalsada, pagpapatayo ng mga gusali, mga estruktura at iba pang mga land improvements.
Utilidad (Utilities)
Tumutukoy ito sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao na matugunan ng mga bumubuong kompanya na maihatid ang nararapat na serbisyo gaya ng tubig, ilaw at gas.