Explanation:
Nilikha ng diyos ang tao bilang malayang nilalang. Nang magkasala ang tao isinumpa niya ito ngunit hindi parin tinanggal ang kalayaan sa mga ito. Sa ngayon ang tao ay malaya sa ano mang bagay na nais niyang gawin. Ngunit kung titingnan mo ang reyalidad ng buhay, tayo ay bilanggo ng sakit at kalungkutan. Sinasabi natin na tayo ay malaya dahil nagagawa natin ang mga nais nating gawin. Ngunit ang totoo ang mga makamundong gawain ang nagbibigay sa atin ng kasiyahan kaya nasasabi natin na tayo ay malaya ngunit ang totoong kalayaan ay wala sa mundong ito. Panandalian lang na naranasan ng tao ang kalayaan ngunit binawi din ito sa atin. At ngayon ang inaakala nating kalayaan ay isa lang palang makamundong gawain na nagtutulak sa atin sa kasamaan.