Balik Aral Basahing mabuti ang mga pahayag at isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang pamahalaang militar ay itinatag upang mapigilan ang mga pag- aalsang maaaring sumiklab sa bansa. 2. Nagkaroon ng dalawang patakaran ipinatupad para sa mga Pilipinong magkaiba ang pagtanggap sa pananakop ng mga Amerikano. 3. Lumaki ang halaga ng produksiyon sa bansa dahil sa malayang kalakalan 4. Ang patakarang ko-optasyon ay masasabing hindi makatao dahil ito ay para lamang sa kapakanan ng mga Amerikano. 5. Ginamit ang patakarang pasipikasyon para sa mga Pilipinong agad na pumayag sa pamahalaang Amerikano. 6. Binigyan ng pagkakataong mamahala para sa bansa ang piling Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano. 7. Ang mga komisyong ipinadala sa bansa ay walang naitulong sa mga Pilipino. 8. Napalapit ang mga Pilipino kay William H. Taft dahil sa kanyang magandang pagtrato sa mga ito. 9. Hindi binigyang pansin ng mga Amerikano ang edukasyon sa Pilipinas. 10. Napasailalim man ng Amerika ang Pilipinas ay natulungan naman nitong makapagsarili ng pamahalaan ang mga Pilipino.